PAGLALAKBAY


Ang paglalakbay ay napakagandang karanasan
Na kahit salapi ay hindi kayang tumbasan.
Samu't sari ang iyong mararamdaman
Sa iba't ibang lugar na iyong tinutunguhan.

Sa byahe ay marami kang matututunan,
Mga bagay na ngayon at doon mo lang nalalaman
Marami ka din makikilalang tao at kaibigan,
Na iba't iba ang pananaw at antas ng katayuan.

Ang paglalakbay ay medyo may kahirapan,
Minsan di mo alam ang mangyayari sa iyong pupuntahan.
Pero kahit ano pa man ang kahihinatnan,
Sa byahe ay punong-puno ng kasiyahan.

Ngunit sa kabila ng mga bagay na ito,
Maraming lugar man ang napuntahan mo.
Gaano man kaganda at kasaya dito,
Hahanap hanapin mo pa din ang pinagmulan mo.

Matulog ka man sa magagagarang higaan,
O sa simpleng bahay  na iyong masisilungan,
Iba pa rin ang iyong mararamdaman,
Kung ang ulo mo ay nakapatong sa sariling unan.

Sa paglalakbay ang pakiramdam ay masaya at makulay
Pero wala ng sasaya pa pag ika'y nasa iyong pamamahay.
Kapiling ng pamilya na saiyo'y nagbibigay buhay,
Pagmamahal at kasiyahang walang kapantay


Comments

Post a Comment

Pls. leave a comment and Thanks for dropping by!

Popular Posts